oo4. nag-iigib.
kaninang umaga, gumising ako na hindi alam kung anong direksyon ang tatahakin. hindi ako sigurado sa anong lalakaran at kung anong paa ang unang ihahakbang.
gayunpaman ay pinilit kong tumayo. at nakatayo naman ako.
dumeretso ako sa kanto, dala ang isang pulang timbang igiban ng tubig. pagdating sa poso ay medyo nanlumo ako sa matagal na oras kong hihintayin sa paghihintay bago dumating ang pagkakataon na ako naman ang mapupunan ng tubig na kakailanganin mo.
pagbomba ko ng tubig ay malinis naman ang tubig na nilabas nito. pwede na rin sigurong inumin bastat pakukuluan lang. pwede na ring panlaba ng de kolor at puti at pandilig sa nanunuyong mga halaman.
naglakad ako pabalik ng bahay gamit ang karitong matagal ko ng naging katulong sa pagbuhat ng hindi birong bigat ng timba.
pagbalik ko sa bahay ay nakahiga ka pa sa kama. hayun at mahimbing natutulog. humihilik ka pa. naisipan ko na ihanda ang lahat ng kakailanganin ng mahal ko.
naisipan kong magpakulo ng tubig para sa malamig na umaga. malamang ay hindi mo naman kakayanin ang maginaw na temperatura sa loob ng banyo. kasabay nito ay nilabhan ko na ang mga damit na gagamitin mo para sa mga susunod na araw. isinunod ko naman ang pagdilig sa mga halaman at ng malapit ka ng magising ay itinimpla ko na ang kape mo gamit ang tubig na inihati ko lang sa pampaligo mo.
pero nawala ka. hindi ko man lang alam kung san ka nagpunta. hindi ko alam kung bakit mo ko binigla. basta, hindi ko alam.
nanghinayang lang ako. kung alam ko lang sana na hindi mo kakailanganin ang tubig na inigib ko, sana hindi ko na lang ginawa.
nasayang lang lahat ng pinaghirapan ko. pero bago ang lahat, gusto kong malaman mo na ang lahat ng bombang ginawa ko sa kalawanging poso, ginawa ko para sayo.
_________________________________
*hindi to para sa isang tao. ginawa ko ito para sa aso ko. ang weird?! hahaha!